Sa aking paghahanap ng trabaho, ako ay napadpad sa isa sa mga pinakamalaki (if not pinakamalaking) broadcast station dito sa Pilipinas, ang ABS CBN. So ano ginawa ko dito? Malamang edi nagpasa ng resume.

So dito ko mineet ang aking matalik na kaibigan na si Mark Angelo Gonzales Eblamo. Pangalan pa lamang ay talagang hahanga ka. Matalinong tao, awardee yan nung high school. Tapos CAT Officer pa, at Gloria Macapagal Arroyo Excellence Awardee (?) pa! Nakanang! Kaya nga nagpa autograph ako sa organizer ko, nilagyan ko pa ng pic niya para matuwa siya. :D

Ayan, diyan makikita ang kagwapuhan ni Mark Eblamo. Medyo he's making a gruff look nung anduin kami, hindi ko alam kung pagod lang talaga o yun talaga ang look na gusto niya i-achieve. :D

Tapos ayan nakita ko din dito si Kuya George, and maalamat ding alumnus ng BroadJourn. Pareho sila ni Mark sa Studio 23 nagtatrabaho. Ayan silang mga magkakawork sa pic.

At itong pic na ito ay kuha mula sa Eastwood City, Libis. First time ko nakapunta dun kasi wala naman ako rason magpunta noon. Nung nagpunta ako dun, may ininterview kami ni Jacque. Wow kamo! :D Hindi ko na muna sabihin kung sino, pero Mark wag kang maingay muna.